Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Awit ng Isang Ina…

 

       ” Ang awit ng isang ina ay hindi magiging ganap na musika kung hindi tayo sasabay sa kanilang himig”.

                      Simulan mong pakinggan ang kaibuturan ng iyong puso.May naririnig ka ba? Bigyang laya ang bawat pagtibok nito at maririnig ang malamyos na himig na may kaugnayan sa ating pagkatao.Isang awit na punong- puno ng pag-ibig na nagmumula…SA AWIT NG ISANG INA. May lambing, banayad at tigib nang makukulay na pangarap ng isang ina para sa kanyang anak na tinatangi.Bawat himig ay mayroong kurot sa damdamin na sumasalamin sa buhay at pag-ibig ng isang ina.Damhin mo ang bawat kataga mg kanilang awitin. Isaisip, isapuso at kung maaari ay sumabay sa kanilang himig sapagkat ito’y hindi magiging ganap na musika kung hindi makikiisa sa kanila. Ililipad ka ng kanilang awitin sa iyong pangarap at ipapakita sa iyo ang tunay kagandahan ng buhay. Ang awit ng isang ina ay sumasabay sa agos ng buhay. Panahon ng kasiyahan, kalungkutan at kabiguan. Magkaiba man ng panahon, ito’y hindi nangangahulugan upang sila ay tumigil sa pag-awit.Sila’y magpapatuloy sapagkat ang lahat ng iyan ay bahagi ng mga titik ng kanilang awitin. Ngunit sa likod nito nakatago ang takot at pangamba ng isang ina.Kapag humiwalay sa himig ng kanilang awitin, ito’y nagiging ingay sa pandinig na magiging dahilan upang malihis at maligaw ang anak.sa panahon ng pagdadalamhati patuloy na maririnig ang awit saan mang dako. Hindi titigil upang muling marinig nang napahiwalay na anak ang kanyang himig at dala ang panalangin na sanay muling sumabay sa AWIT NG ISANG INA…

            

     

About these ads

Pebrero 11, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. nice kuya kaka iyak nmn ung awit ng isang ina

    huhuhuhuhu kuya gni2 b tlga 2 amp!!!!!!

    kakaiyak wehhhhhhhhh

    Comment ni khen | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  2. huhuhuhuh!!!kuya!!
    ,,,kaka iyak naman toh
    ,,,,haiz kasi medjo pasaway ako sa momi ko ehh
    ,,kaya naiiyak ako haiz!!

    Comment ni jhenna | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  3. wow. :)
    dapat ndi natin ibalewala ang ating mga ina.
    wag natin ikakahiya. ipagmalaki natin sa buong mundo na sila ang ating mga ina. :D
    hehehe. toinkz.
    alam naman natin na ginagawa nila ang lahat para mapabuti ang ating buhay, at marating natin ang ating mga pangarap.
    subalit kung minsan ay isinusuway natin sila. XD
    hahaha. makinig sa mga magulang. :)
    galing kuya jei. :))

    Comment ni bunso | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  4. nice story nakakainspire, may lesson at higit sa lahat comes from the heart ^^ Great job

    Comment ni EmAn | Pebrero 14, 2008 | Tugon

  5. maganda nag awit,
    ito rin kasi ang gagamitin ko sa sunday para sa tribute ng mga inang dakila at walang katulad.
    sa mga anak na tulad ko, bigyang daan ang pagkilala at pagpapasalamat sa mapagmahal na ina nang ating buhay na walang ginawa kundi isipin ang lahat ng bagay ng makakabuti sa ating mga nak na kung minsan ay mga pasaway at nakakasakit sa damdamin ng ationg mga inang dakila.

    kuya athan
    pang-6 sa sampung magkakapatid na lahat kami ay pinagtapos ng pag-aaral.
    [ganun po sila ka-dakila sa amin]
    kakaiyak di ba?
    ustingan_net_cafe@yahoo.com
    09214082860

    Comment ni jonathan igloria | Mayo 6, 2009 | Tugon

  6. maganda nag awit,
    ito rin kasi ang gagamitin ko sa sunday para sa tribute ng mga inang dakila at walang katulad.
    sa mga anak na tulad ko, bigyang daan ang pagkilala at pagpapasalamat sa mapagmahal na ina nang ating buhay na walang ginawa kundi isipin ang lahat ng bagay ng makakabuti sa ating mga nak na kung minsan ay mga pasaway at nakakasakit sa damdamin ng ationg mga inang dakila.

    kuya athan
    pang-6 sa sampung magkakapatid na lahat kami ay pinagtapos ng pag-aaral.
    [ganun pola ka-dakila sa amin]
    kakaiyak di ba?
    ustingan_net_cafe si@yahoo.com
    09214082860

    Comment ni jonathan igloria | Mayo 6, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: