Napakabilis ng panahon hindi natin namamalayan na marami na palang nagbago.Parang kailan lang sariwa pa sa aking alaala ang mga karanasan ng aking kamusmusan. Kapag bumalik sa aking diwa ang nakaraan, hindi ko maiwasang ngumiti. Kung maibabalik lamang ba ang panahon , mas pipiliin ko na lang na manatiling musmos habang panahon. Masarap kasi ang maging isang bata, walang ginawa kundi maglaro, kumain at matulog. Naalala ko pa dati mahilig kaming maglaro ng tumbang preso ng mga kababata ko, naiinis nga ako lagi akong balagong pero kapag habulan naman hindi nila ako mahuli-huli, ang bilis ko kayang tumakbo at magtago para hindi nila ako makita. Matitigil lamang iyon sa isang tawag ng aking ina para kumain . Bago ako matulog aking hinihiling at dinarasal na huwag ng umikot ang mundo para laging masaya.
Ngunit sadyang ganun talaga ang buhay, ang lahat ay nagbabago. Dati ang alam ko lang kung bakit umiiyak at masaktan ang isang tao ay dahil sa mga palo na natatanggap buhat sa kanilang mga magulang. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuklasan ko na na mas may masakit pa pala kaysa sa mga latay na natatangap ko buhat sa kanila. Mas matindi pa pala ang sakit na naidudulot ng kabiguan at mga pagkakamali sa mga desisyon na aking binibitawan. Kapag dumarating ang sandaling iyon, kung maaari lamang muling tumakbo at magtago tulad ng ginagawa ko noong ako ay musmos pa lamang ay gagawin ko ngunit gaya ng sinabi ko hindi na ako bata upang gawin ang lahat ng iyon. Tapos na ang dahon ng aking kamusmusan, ako ngayon ay humaharap sa mas mabigat at malaking responsibilidad na hahamon sa panibagong yugto ng aking buhay.
Habang sinisimulang harapin ang bagong pahina ng aking buhay , unti unti kong nauunawaan ang sinasabing hiwagang hatid nito. Na sa kabila ng mga kabiguan at pagkakamaling nararanasan hindi pa rin tumitigil sa pag-ikot ang buhay. Pinapanday nito ang ating pagkatao upang maging matatag tayo sa pagharap sa mga kabiguan at binibigyan nang lakas upang muling bumangon sa bawat pagkakadapa.Noong una kapag ako ay nasa gitna ng pagsubok pilit kong tinatakasan ito ngunit para itong anino na ayaw akong lubayan saan man ako pumunta. Ang kabiguan ay bahagi rin ng ating buhay hanggang nanatili tayo rito sa mundo kaakibat na ang ibat’ibang suliranin na susubok sa ating pagkatao. Kaya hindi ito nararapat na takbuhan bagkus matuto tayong harapin ang bawat pagsubok sapagkat sa bawat pagkakamali hatid naman nito ang isang aral na magpapabago sa atin at magdudulot ng kapayapaan sa ating mga kalooban.
Hindi pa tapos ang ating pakikibaka, hanggat may hininga pa tayo patuloy pa rin tayong makararanas ng mga tinik sa ating lalamunan. Huwag tayong matakot sa hapdi na dulot nito sapagkat hindi mahihilom ang sugat na iyan kung bigla na lamang tayo mawawalan ng pag-asa. May lunas na nakalaan para mapawi ang lahat ng kabiguan na nararanasan .At ang magsisilbing gamot ay ang ating katatagan sa pagharap sa lahat ng sakit dulot ng kabiguan. kapag napagtagumpayan ito, masisilayan mo ang sinasabing hiwaga ng buhay.
Pebrero 11, 2008 -
Ipinaskil ni
botchong |
Uncategorized |
|
Mga Puna
Hi, this is a comment.
To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.
nice blog mo kuya!
ganda basahin!
maganda ang paglalahad mo ng bahat talata ..
marahil pinag tyagaan mong i type at i post yan ..
sana makagawa ka pa ng maraming babasahin upang kahit paano ay malaman o maiparating mo sa marami kung anu ang iyong naisip ^^ hehehe
nice one!!
,,dami mo mapupulot
,,and dami mo rin mare-realize na mag bagay bagay
,,,pagpatuloy mo lang yan kuya!!,,galing mo!!
,,tnx for sharing it with us!! ^_^
w0w~~!!!!
aKo nGA rin eh~~….
gUxtoH ko rin bAta nA lNg as it iS….
pAra lAro, kain, At tuLog na lng ang gagawin kO….
d pA ako mahihirapan…
mAhirap ba mAging matanda kuYA jei???
kxE sa tingin kO 4 now…
hiRap na hiRap ang mgA magulAng ko juSt to giVe me fOod para sa araw araw na buhAi….at sa pAg aaraL ko….
nYc worK kuYA ah!!!..~~!!…
kEep it uP~!!…
^^
guDluck
~~~~rHEd
..nd ko n binasa….basta ang alm ko mgnda….alm kong mgaling kng sumulat…kht itinaype u nmn….hahaha….na touch aq kht nd k binasa.hahaha
good luck n lemeng kua jeiro……