Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Damdamin Ng Magulang, PAKINGGAN

2239405468             Noong ika’y sanggol pa lamang, halos gabi- gabi kami napupuyat sa kababantay sa iyo . Kahit gusto na naming matulog dahil sa sobrang pagod sa buong maghapon, hindi namin magawa kasi maya- maya umiiyak ka. Alam mo ba anak na sa bawat pag iyak mo, ikinakalong ka namin at idinuduyan sa aming mga bisig. Walang sawa ka naming pinagmamasdan at hinahaplos ang maamo mong mukha. Ang sarap pala ng pakiramdam ng isang magulang.              

                Ngayon ikaw naman ang napupuyat sa amin. Maya- maya kasi nagigising ka kapag naririnig mo ang bawat pagtawag namin sa iyo. Pasensya ka na anak at talagang hindi na naming kayang tumayo dulot na rin marahil ng aming katandaan. Kahit bakas sa iyong mukha ang pagkainis at kahit nararamdaman namin na nandidiri ka dahil sa aming amoy , kung makakaya lamang ba namin na hindi ka na istorbuhin sa iyong pagtulog ay gagawin namin kaso sadyang mahina na talaga kami. Alam mo anak habang inaalalayan mo kami pinagmamasdan ka namin. Nakatutuwang isipin na sa paglipas ng mahabang panahon napagsumikapan ka naming palakihin at alagaan. Sana naman anak pagtiyagaan mo kaming alalayan at alagaan kahit sa maikling panahon man lamang.             

             Noong nagsisimula ka pa lamang magsalita, kahit hndi namin maintindihan ang iyong sinasabi , pinipilit naming mapakinggan ang iyong tinig kahit pautal-utal. Para sa amin walang kasing ganda ang tinig mo sa lahat, parang isang musika sa aming pandinig. Kahit paulit-ulit hindi nakasasawang pakinggan.              

              Huwag mo naman sana kaming sigawan at pagalitan dahil lamang sa pagiging maramdamin o kaya dahil sa nagiging masungit kami . Ganyan lang talaga kapag nag kakaedad na, nagiging makulit parang isang bata. Nais lang kasi namin na mapansin mo kami at kahit paano maramdaman namin na may silbi pa rin kami sa kabila ng aming katandaan.              

               Noong bata ka pa lahat ng makita mo gusto mong makuha, laruan, pagkain, damit, at ibang uri ng kagamitan . Bawat utos mo pinipilit naming ibigay para maging masaya ka lamang. Kaya nga puspusan kami sa paghahanap-buhay para mabili lahat ng iyong pangangailangan. Hindi namin iniinda ang hirap at pagod. Ganun pala kapag magulang uunahin ang pangangailangan ng anak bago ang kanyang sarili.

           

             Minsan narinig namin na nagrereklamo ka na sa mga gastusin dito sa bahay. Kung may pera lamang kami hindi na sana kami magiging pabigat sa iyo . Pagpasensyahan muna anak at pati ang pambili ng gamot ay inaasa namin sa iyo. Huwag kang mag alala at kaunting sandali na lamang ang aming itatagal rito. Kapag dumating ang araw na iyon, mabubunutan ka na rin ng tinik at hindi na kami magiging pabigat sa iyo.

           

                Natatandaan mo ba noong ikaw ay nag aaral pa, pagkagaling sa paaralan tatakbo ka sa amin para magkwento. Kahit marami kaming ginagawa humihinto kami para makinig sa iyo. Tuwang tuwa kami habang ikaw ay nagsasalaysay ng iyong mga karanasan. Alam mo anak nawawala ang pagod namin kapag nakikita kang masaya.

          

             Umaasa kami na darating ang raw na tatakbo kang muli papalapit sa amin at magsisimulang magsalaysay ng iyong mga karanasan. Bata ka pa kasi noong huli tayong mag kwentuhan. Naiintindihan naman namin dahil busy ka sa trabaho.Pero sana anak, kahit man lamang kaunting oras bigyan mo naman kami ng panahon. Sabik na sabik na kaming marinig ang mga kuwento mo. Minsan kapag nakaupo kang mag isa , gusto ka sana naming lapitan kaso kapag alam mong papalapit na kami sa iyo bigla kang umaalis . Alam mo anak hindi lang namin pinakikita sa iyo pero lubos kaming nasasaktan kapag binabalewala mo kami.

            

               Anak, malapit ng dumating ang takipsilim ng aming buhay. Sana habang may panahon pa kahit sa kahuli- hulihang sandali iparamdam mo naman sa amin na kahit paano minahal mo rin kami gaya ng pagmamahal namin sa iyo. Hayaan mo anak sa oras na sumapit ang aming kamatayan, ibubulong namin sa Poong Maykapal na ikaw ay gabayan sa lahat ng oras.

Pebrero 11, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. kua aq bahala jan s blogs mo nyahaha dmi magkocoment jan nyahaha

    Komento ni khen | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  2. ,,haiz!!kakaiyak!!!buti pa nga ung batang un nakikipag kwentuhan pa mga magulang niya sa kanya,,,swerte nga niya pero kami di man lang maka pag kwentuhan paano kaya masyado silang busy sa business,,,,Money is worthless without love,,haiz!

    Komento ni jhenna | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  3. tama! nararamdaman ko rin ito.
    marami narin nangyayari na katulad nlng sa mga binanggit sa blog na ito.
    kakaiyak. hehehe.
    sana makarelate kau rito.
    haaaay. galing mo tlga kuya jei.🙂
    wag mahiya ipadama na mahal natin sila.
    anong malay natin na bukas wala na sila.
    bsta,😀
    hahahaha. aabangan ko next BLOGS mo kuya.
    ingats.

    Komento ni bunso | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  4. tinamaan ako minsan di ako masunurin, dati mga grandparents ko nung nabubuhay pa sila di ko sila pinagtutuunan ng pansin pero ngayon ala na sila ngayon ko lang narealize na dapat habang nandyan pa sila bigyan dapat natin ng importance sila ^^. Maiksi lang buhay di natin alam kung kailan ang nakatakda sa ating mga minamahal sa buhay. ^^

    Komento ni EmAn | Pebrero 14, 2008 | Tugon

  5. nakakatuwa. tingin ko parang may pinatatamaan lang. parang ako lang.😀 yah. that’s true. naka relate ako ng ontii.. ^^

    Komento ni camille | Nobyembre 7, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: