Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Manunulat at Buhay

                  Nagsisimula na naman akong magsulat. Maraming mga bagay na pumapasok sa aking isipan ngunit katulad ng mga nauna kong karanasan, di ko alam kung paano at saan magsisimula.Kapag naumpisahan bigla na lamang malilihis ang pansin sa ibang bagay na wala naming kaugnayan sa isinusulat o sa mensahe na nais maiparating sa mga mambabasa. Hihinto na naman at muling paliliparin ang diwa upang makakuha nang angkop sa ginagawa.May mga pangyayari na kahit isang titik ay hindi magawang maisulat dahilan sa kawalan ng ideya. Minsan kapag ganado sa pagsulat bigla na lamang matitigil dahil sa samu’t saring ingay na naririnig. Kasama ang pangungulit ng mga tao sa paligid, biglaang tunog ng “cellphone’’, tawag ng kapitbahay para humingi lamang ng asin o asukal. Ngunit ang masaklap nito maraming hindi interesadong magbasa ng iyong sinulat. Di mo alam kung hindi marunong magbasa o tinatamad basahin lalo na kapag napakahaba, pipintasan pa ang naisulat mo. Nakatatawa di ba? pero bahagi at kasama ito nang mga mahihilig magsulat tulad ko.

                Marahil nagtataka ang iba kung bakit pinag aaksayahan ng oras ang pagsusulat. Noong una hindi ko alam na biniyayaan ako ng ganitong uri ng talento. Di ko naman hilig ito.Bigla na lamang nagising isang araw na nakaupo hawak ang papel at lapis at nagsisimulang isulat ang aking mga nasasaloobin. Buti nga ngayon may “computer” na, dati napakaraming papel ang nauubos sa isang artikulo lamang . Noong una tinatanong ko rin ang sarili kung ano ba mapapalala sa kasusulat.Hindi mo pala malalamn ang sagot sa tanong hanggat hindi mo sisimulang pumasok sa mundo ng manunulat.                 Ang pagsusulat ay hindi maaaring ihiwalay sa buhay ng isang tao. Sapagkat lahat ay manunulat sa sarili nilang karanasan.Tulad ng lahat ng mga nababasa ninyo, ito ay mayroong simula at wakas.Ang buhay ng tao ay mayroon ding simula at hangganan. Kung paano sinisimulan at winawakasan ng may akda ang kanyang panulat, ganun din ang bawat tao. Sinisimulan niyang tuklasin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng mga karanasang magpapatibay sa kanya. At ang magiging wakas nito ay nakasalalay din sa kanyang kagustuhan. Maaring maging masaya, malungkot at maaaring humantong sa kabiguan ang kahihinatnan ng wakas ng kaniyang kuwento.  Bilang manunulat, pinakikinggan niya hindi lamang kanyang saloobin maging ang damdamin ng ibang tao upang lubos niyang makita sa kanyang isipan ang kabuuan at maging makatotohanan ang kanyang isusulat. Maingat niyang pinag aaralan ang mga katagang isinusulat upang maging masarap sa panlasa ng mga mambabasa. Ang tao bagamat may sariling pananaw ukol sa mga bagay na may kinalaman sa kanya ay hindi magiging ganap ang pagkatao kung padidikta lamang sa kung ano ang sinasabi ng kanyang kalooban. Mahalagang pakinggan din ang sinasabi ng iba tungkol sa kanyang sarili upang lalo niyang masalamin ang kanyang katauhan. Maging maingat sa paggamit ng mga salita upang hindi makapanakit at humantong sa hindi magandang pagkakaunawaan.                        

               Walang pinakamahalagng nasusulat sa mundo kundi ang kaniya- kaniyang kuwento ng buhay. Mas maganda pa kaysa sa mga napapanood sa telebisyon na mga telenobela at palabas sa pelikula.At walang pinakamahusay na manunulat kundi tayong lahat. Tayong lahat na may kanya-kanyang kuwento ng buhay, tayong lahat na nagsimula sa wala, tayong lahat na nakaranas  kung paano mangapa ,matakot,maging masaya, malungkot, umiyak , at makaranas ng kabiguan sa buhay. Ang lahat ng iyan ang siyang nilalaman ng istorya ng ating buhay. Anuman ang magiging wakas nito tayo lang ang nakakaalam sapagkat tayo ang manunulat ng ating sariling kuwento ng buhay.

Pebrero 11, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. ,,kuya!!!ang galing mo sobra!!!
    ,,yeah! totoo yan!!,,hahahha
    ,,,medjo gumagawa din po kasi ako ng mga love novels,,then pinapabasa ko,,ung nga mga ibang comments ay nakakalait pero okie lang,,atleast sinasabi nila para ma improve ko
    ,,and kaya ako nagaganahan kasi pag nakikita mo silang nag e-enjoy sa pag-basa,,,keep up the good work kuya!!!go!

    Komento ni jhenna | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  2. wow. pero kuya, dami pa rin ako ndi naiintindhan. =x
    hehehe. alam kong, ako lng makakasagot dun.
    may natutunan ako dito sa blog na to.🙂
    galing tlga. hehehe. saludo ako sayo kuya.
    ingats.

    Komento ni bunso | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  3. an gagaganda khet di q mxado mainthindihan..
    well.. do more.. god bless

    Komento ni ynnatOt | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  4. , uu nga kuya…

    , bt ganon ang mga manunulat???

    , my time n wala k s mood n as in suoer wlang taught ung sinulat mu…

    , meron nmang tym n khit maraming ka ginagawa u r willing 2 write stories…

    , s umpisa,…..

    , d mu alm kung magi2ng maganda ba ang kala2basan,,,

    , kung tama ba ang paggamit ng mga salita s bawat pangugusap at pangungusap s bawat talata??

    , ngunit,… ang bawat manunulat katulad ntin ay hindi sumusuko s pagsulat ng kung anu2…

    , ang iba ay kapuri2 n ating ikasasaya…

    , ang iba wlang ideya n para s iyong sarili ay panget..

    , ngunit s ibang tao ay maganda at malalim ang kahulugan!!

    , bawat tao ay my kakayahang magsulat n bumabatay s mga karanasan ntin s ating buhay…

    , karanasan n nagbibigay ng lakas at ang iba ay nagbibigay ng kahinaan n minsan ay parang gz2 n nting sumuko..

    , pero dahil mahal ntin ang ating propesyon…

    , wla tayong sawa s pagsusulat khit wla maxhadong nagbabasa…

    , dahil ang bawat istorya n ating isinusulat ay nka2pagbugay ng inspirasyon s buhay ng bawat tao!!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  5. , uu nga kuya…

    , bt ganon ang mga manunulat???

    , my time n wala k s mood n as in super wlang taught ung sinulat mu…

    , meron nmang tym n khit maraming ka ginagawa u r willing 2 write stories…

    , s umpisa,…..

    , d mu alm kung magi2ng maganda ba ang kala2basan,,,

    , kung tama ba ang paggamit ng mga salita s bawat pangugusap at pangungusap s bawat talata??

    , ngunit,… ang bawat manunulat katulad ntin ay hindi sumusuko s pagsulat ng kung anu2…

    , ang iba ay kapuri2 n ating ikasasaya…

    , ang iba wlang ideya n para s iyong sarili ay panget..

    , ngunit s ibang tao ay maganda at malalim ang kahulugan!!

    , bawat tao ay my kakayahang magsulat n bumabatay s mga karanasan ntin s ating buhay…

    , karanasan n nagbibigay ng lakas at ang iba ay nagbibigay ng kahinaan n minsan ay parang gz2 n nting sumuko..

    , pero dahil mahal ntin ang ating propesyon…

    , wla tayong sawa s pagsusulat khit wla maxhadong nagbabasa…

    , dahil ang bawat istorya n ating isinusulat ay nka2pagbigay ng inspirasyon s buhay ng bawat tao!!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 19, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: