Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Musmos na Tinig

                     

                           Hindi namin ninais na mabuhay. Hindi namin hinangad na mapabilang dito sa daigdig. Nagising na lamang kami isang araw  na  kabahagi na ng mundong pareho nating  ginagalawan. Wala kaming karapatan na mamili kung saan at anong uri ng pamilya ang gusto naming mapuntahan. Para sa amin isang malaking kaganapan ang mabigyan ng pagkakataon na maisilang, mabigyan ng pangalan at maging isang ganap na tao tulad ninyo.

               

                        Sa mundong ginagalawan, kami ang tunay na nagiging biktima nang pang aabuso ng nakararami. Kami ang madalas na nasasaktan at naaapektuhan sa mga kaganapang  kailanman ay hindi namin hinangad na maranasan dahil sa aming kawalan ng kamalayan. Wala kaming kaalam- alam sa mga kaguluhang nangyayari sa ating kapaligiran ngunit bakit kami ang dapat na magbayad at pumasan sa mga kasalanang hndi naman kami ang gumawa. Masyadong malalim na ang sugat na idinulot nito sa aming pagkatao. Manhid na ang aming mga katawan  sa napakaraming  hagupit ng karahasan na patuloy na dumadampi sa aming mga kaisipan. Ngunit patuloy kayong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa tunay na kalagayan ng mga munting nilalang ng daigdig.

            Subukan ninyong idilat ang inyong mga mata. Hindi man kaaya-aya sa inyong paningin na makita kaming  umaakyat sa mga pamapasaherong sasakyan para mamalimos,  magbenta ng mga basahan, sampagita , diyaryo , at makipag patintero sa mga dumaraang sasakyan na maaaring magdulot sa amin ng kapahamakan at maging mitsa  ng aming buhay.  Ngunit kailangan naming gawin ito dahil tulad ninyo, kami rin ay nangangailangan ng pagkain para mabuhay. Tinitiis namin ang mabahong amoy ng mga basura para makahanap nang mapakikinabangan at mapagkakakitaan kahit alam namin na ito ay lubhang mapanganib sa aming kalusugan.Mas nanaisin pa naming magbabad sa nakasusukang mala bundok na basura kaysa sa mamatay na dilat ang aming mga mata sanhi ng kagutuman at kahirapan. Takot ang aming nararamdaman at minsan sakit sa katawan ang aming nararanasan sa mga taong ginagawa kaming kasangkapan para  sila’y kumita. Sa bawat hampas ng sinturon, sa bawat malalakas na suntok na dumadapo sa aming katawan, ano ba ang laban ng mga munting paslit sa mga malalakas na nilalang na tulad ninyo. Hindi namin pinangarap na maranasan ang lahat ng ito, subalit huwag ninyong ikaila na kayo ang dahilan kung bakit kami ay nasasadlak sa ganitong uri ng pamumuhay.Kami ang tunay na biktima ng lahat ng karahasan na itinanim ninyo sa daigdig.

             Kami man ay maituturing na mga munting nilalang sa daigdig,  mahina sa paningin ng nakararami ngunit hindi batayan ito upang kami ay pagkaitan ng karapatan na naayon para sa amin.Hindi dapat abusuhin bagkus dapat ay bigyan ng kalayaang makapamuhay nang wasto at iparamdam na kami rin ay kabahagi at kabilang sa iisang mundong ating kinabibilangan. Musmos man kami ngunit sa pinagsama sama naming tinig kaya naming panibaguhin ang mundo kung matututo lamang ang bawat isa na makinig sa aming mga hinanaing. Kailan kaya muling ngingiti at maririnig ang masasayang awit ng mga bata sa isang mundong pinapangarap ng lahat?Kailan mababanaag ang tunay na pantay- pantay na karapatan lalot higit sa mga musmos na nilalang?.Kung matututo lamang kayong makinig sa amin, kung mabibigyan lamang ng pansin ang aming hinanaing… sa aming mga musmos na tinig magkakaroon ng kaganapan ang lahat.              

Pebrero 11, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. ahh… kaka awa naman tong pinapa haid ng sula na to kung pwede lang ako tumulong tuulong ako dito

    Komento ni xionepsilon | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  2. ello mztah n kuya gnda ahhh nice kuya pagpatuloy mo lng yan
    idol n kita kuya mwuahhhhhhhh

    Komento ni khen | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  3. ,,haiz!,,kawawa naman sila,,unfair nga talaga ang buhay,,hndi nila pinangarap ang mabuhay ng ganun pero hayun sila nahihirapan sa buhay na kanilang ginagalawan,,kasalanan ito ng mga magulang nila! hndi na dapat sila nagsilang ng mga batang ganito kung ganyan lang din ang gagawin nila!,,isa pa ang “GOVERMENT” wala silang ginagawa para masolusyunan ito!,,bakit kaya di nila atupagin ang mga problema ng bansa imbes na magnakaw ng mga pera at magpayaman!,,,

    toinks!!,,hahahha!!,,sorry nanermon pa ako,,,,auz kuya ang ginawa moh,,,na refresh ung utak ko dun huh,,,galing!!!^^

    Komento ni jhenna | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  4. kuya, ganda ah. kawawa naman. may matutunan ang mga tao dito. sana naman buksan nila ang kanilang mga mata sa mga nangyayari.🙂 keep up the good work! God bless.

    Komento ni julie | Pebrero 13, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: