Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Mga Kuwento Sa Loob Ng Chat Rum…

            

                 Iba na talaga ang generation ngayon masyadong moderno  marahil ito ang epekto ng  makabagong siyensa sa buong mundo. Pansinin ninyo dati rati’y mga kagamitan lang ang high tech, ngayon pati ang paraan ng pakikipagsalamuha ng tao ay masyado ng social at  class. Usong-uso na ngayon ang internet para makakilala ng mga bagong friends. Kapag hindi ka sumunod sa trend ngayon para kang naliligaw at iisipin mo na ikaw ay nasa out of this world. Kung dati rati  masyado tayong konserbatibo sa pagkilatis sa katauhan ng mga taong nakasasalamuha natin, ngayon sa isang pikit lang at pagdilat mo ayos na as in super close friend na agad kayo kahit hindi mo pa nga nakikita ng personal ang taong iyon. Siguro napapangiti ka ngayon habang binabasa mo ito, nakaka relate ka ba?  Kung sa bagay, hindi lang bata o teenagers ang naadik ngayon sa pag cha- chat, mismong mga matatanda lalo na yung mga walang asawa na malapit ng malipasan ng panahon at ginagamit ang internet sa paghahanap ng mapapangasawa na foreigner para instant millionaire na sila( kasama ba ako dun? Hehehehe!!!) Sawa na kasi sila sa hirap at  para sa kanila ang makapangasawa ng dayuhan ang siyang mag- aangat sa kanilang pamumuhay. (talaga lang ha?) Ang galing di ba mga friends? Ano kayang hiwaga mayroon ang chat rum at halos lahat ay nagsasayang ng pera at panahon dito. Mabuti pa kaya silipin natin ang ibat ibang katauhan para malaman natin ang kanilang mga kuwento sa likod ng chat rum.
      
                 EMO LASLAS –    Pamilyar ba ang name sa inyo? Alam kong kilala ninyo  itong si   Emo Laslas, alyas Lonely girl/boy, I’m alone, Emotera/ Emotero, Emo Dark side atbp. Dami niya kasing code name na ginagamit eh, anyway, itong si Emo Laslas agaw eksena ang taong ito sa chat rum, gamitin ba namang picture ang kamay na may laslas na pulso. Teka nga, props lang niya yata iyon para mapansin siya pero sa totoong buhay hindi naman niya magawa na maglaslas, kagat nga ng langgam iniiyakan niya maglaslas pa. Nakakaloka di ba ? Kung drama sa buhay ang pag-uusapan, walang tatalo dito kay Emo Laslas, kahit itapat pa ang kuwento niya kay Marimar at Sergio, siguradong taob sila sa ratings. Ewan ko ba rito kay Emo, feeling niya yata siya lang ang tao  sa mundo at wala nang bibigat pa sa problema niya kaya walang ginawa sa chat rum kung hindi umiyak nang umiyak kahit hindi naman nakikita ang luha. Kausapin mo kung bakit sila nagkakaganun, wala silang bukambibig kundi magpapakamatay sila para matapos na ang lahat ( kailan kaya? ang tagal naman)  ang buhay nga naman parang life di ba mga kapuso at kapamilya?
                        Favorite Color:  Black/ Red
                                     Motto:    Pasan Ko ang Daigdig
              ASTIG-  also known as gangster, Tbs, Tst, blood, Tau Gauma etc.  Kung tapang lang ang pag- uusapan, anong panama ni  Robin Padilla kay Astig? Baka hipan lang niya siya Robin tutumba na, sa lakas ng hangin na taglay ni Astig,  nayayanig buong chat rum. Itong si Astig walang ginawa kundi  ipamukha at gawing kasangkapan ang fraternity o gang na kinabibilangan niya para matakot sa kanya ang ibang mga chatters. ( kaya nga astig eh )  sandali,hanggang saan ba ang tapang mo?  baka naman hanggang chat ka lang mahilig ka kasing maghamon ng away kahit alam mong walang papatol sa iyo kasi chat rum lang ito. Ikaw talaga Astig, tsk tsk tsk… ang tapang nilalagay sa lugar hindi sa chat rum. Kung talagang matapang ka, bakit hindi ka pumunta sa  Mindanao para doon mo ilabas ang tapang mo. Ang gobyerno ay nangangailangan ng mga matatapang na tulad mo para pulbusin na ang mga Abu Sayaf  baka ikaw lang ang hinihintay nila. Ayaw mo ba nun, makikilala ka at mailalagay ang pangalan mo sa mga pahayagan , sikat ka pa.
                      Favorite Color :  Red
                      Favorite Song:    Di ako Bakla
                                    Motto:    Sugod Mga Kapatid !!!
                FIX ME-  Si Fix Me ay isa ring personalidad sa chat rum. Minsan  mababasa mo sa name niya broken hearted, siya yung pumapasok sa chat rum para makalimot sa kabiguang nangyari sa kanya. Naghahanap siya ng mga bagong kaibigan at kung susuwertihin siya baka dun niya makita ang mag kukumpuni ng kanyang pusong sawi ( aray ko !!!)  si Fix Me ang kinaawaan sa chat rum  lagi kasing niloloko ng bf/gf niya, hayan kasi mabilis magtiwala anong napala? ( sama ko sinisi pa hehehe!!!).
                         Favorite Icon:   Heart
                        Favorite song:  Fixing a Broken Heart
                 PAT  AWA-   Si    Pat Awa ang siyang entertainer sa chat rum, nagbibigay ng aliw sa mga taong nalulumbay. Kahit magmukhang baliw ( baka nga?) mapasaya lang ang iba. Itong si  Pat   Awa lagi yatang naka high kung anu- anong kinukwento kahit hindi nakatatawa. Pinagtitiisan na lang  na makinig sa kanya dahil sa nakakaawa naman  baka mapagkamalang nasisiraan na ng bait. Kahit lumang  jokes na nabaon na ng panahon at matagal nang  nailibing pinipilit pa rin niyang  buhayin. Pero in fairness ha ok nga  siya huwag lang masosobrahan kasi nagiging oa na ang dating niya sa iba. Minsan ginagamit niya ang pagpapatawa para mabighani ang mga chika babes / chik boi  sa kanya, mabighani naman ba o baka magulat at matawa sa pagmumukha mo Pat Awa  kapag nakita ka ng personal?
                      Favorite TV Show: Bitoy’s Funniest Home Video
                      Favorite Actor: Michael V.
                  ADAN AT EVA –    Bago kayo magi -isip ng kung anu-ano, hindi sila ang  mga karakter sa bibliya ah, si Eva at Adan na tinutukoy ko ang mga lovers sa chat rum.Nagkakilala sa chat at ang madalas na pag -uusap ang naging daan para masolo nila ang chat rum na tinatawag nilang paraiso. Wala silang pakialam sa iba, para sa kanila ang chat rum ay umiikot lamang sa kanilang dalawa na ang tanging saksi  sa kanilang pag iibigan ay ang araw at buwan ( kailan ba nagkaroon nga araw at buwan sa chat rum?) wala silang bukambibig kundi mahal ko, honey, bhe ko, sweetheart, hayaan na nga lang natin sila hanggang chat lang naman ang mga yan, pero sa totoo naglolokohan lang ang mga iyan dahil sa totoong buhay may mga bf/gf na mga iyan. Eva at Adan ipagpatuloy lang ninyo yang ginagawa ninyo huwag lang kayo pahuhuli kundi  yari kayo.(hahahaha!!!)  
                            Favorite TV show: My only Love
                            Theme Song:           Paraiso  
                            Favorite Place:     Internet cafe
               DES PERADA –    Grabe naman ang isang ito, dahil lahat gagawin makahabol lamang sa huling biyahe.Paano naman kasi lahat ng  mga kaibigan niya nakapag asawa na at siya ay nilulumot na ng panahon. Kaya nga kapit na sa patalim ang taong ito, laging laman ng  internet baka sa pagkakataong ito makabingwit na siya. Naiingit siya sa isa niyang kaibigan dahil daig pa ang nanalo sa lotto,  bukod kasi sa nakapag asawa na at take note ah hindi basta- basta, mayaman  na stateside pa ( amoy snow ba o amoy lupa na rin?) Kaya nga itong si Des Perada laging laman ng internet café, siya na ang opening siya pa rin ang closing. Grabe ha di ko na ma take ito…
                           Favorite Movie:  Desperada
                          Motto:                  Try and try until you succeed.
                          Favorite Song:   Kahit Maputi na ang Buhok Ko
                FIL CO –    Siya si Feel este Fil pala,kilala sa maraming bansag tulad ng cute, lovely, pogi, sweety pie, gwaping, japorms at kung anu-ano pa. Maraming Fil Co sa chat rum. Feeling kasi nila sila lang pinakamaganda at pinaka gwapo sa chat dahil simula nung bata pa sila iyon ang sinasabi ng nanay at tatay nila, oppss… huwag nang humirit pa sabi ng magulang nila iyon. Anyway, feeling star sila sa rum kaya maraming naiinis sa kanila lalo na yung mga walang mukha ( ngek tao  ba yun?) Dahil sa angkin nilang taglay  kaya mabentang mabenta sila sa chat rum, feeling nila sila sina Mariane Rivera at Richard Gutierrez na hinahabol –habol. Hanep artistahin na. Totoo ba naman ang mga picture na gamit ninyo? Baka naman ninakaw ninyo lang yan. Kunsabagay lahat nga nagagaya na rin picture pa kaya. Ikaw  FIL CO ka rin ba?
                          Favorite Book:    Si Malakas At si Maganda
                          Favorite Movie:  Beauty and The Beast
                          Motto:                 Beauty is the best policy.
                O ano mga friends, naka relate ba kayo sa kanila? Kunsabagay habang ginagawa ko rin ito, natatawa rin ako sa sarili ko, kasi katulad ninyo mahilig din ako mag chat, kaya pati tuloy ako nag-iisip na rin baka katulad ako ng isa sa kanila.  Nakakatawa di ba? Noong una ang akala ko ang pag cha- chat ay pampalipas oras lamang ngunit sa bawat sandali pala na pag stay sa chat rum hindi natin namamalayan na  marami na palang nangyayari. Bawat isa na nakasasalamuha natin sa chat ay may mga katauhang pinapakita at sa likod ng pagkatao na iyon nakatago ang mga kuwento ng kani- kanilang  sariling buhay.

Pebrero 12, 2008 - Posted by | Uncategorized |

Mga Puna »

  1. , astig toh!!

    , uu…

    , sobrang nkareLate aku!!!!

    , as in super tlga…

    , but im not the type of person n nki2pagrelaxon s chat…

    , wt i min is…………..???

    , i hav lots of friends in a chat rum!!!

    , im a chatter hu can be a friend or yours eventhough u dnt know me personally!!!

    , but im assuring u…

    , 120% trustworthy c CARLA!!!

    , astig tong bLog na touh!!!

    , super nkareLate aku!!!

    , adik din aku s chat eh..

    , peo d napa2bayan studies ku…

    , certified scholar pa rin!!!!

    , ahehehhe…

    , nwayz….

    , still 3y to chat… and find a real friend w/o knowing him/her personally!!!

    , SIKATERS!!!!!!!!!!!!!!!! pagpatuloy ntin toh!!!!!!!!!!!!!

    , astig tau!!!!!!!!!

    , lab yhaaa…..

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  2. hehehe cnu kya aq dun?? kw

    Komento ni jason | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  3. nice one kuya..galing2x ni kuya koi..ayeeeeee..tinamaan ako dun ha :s ahihihihi..keep it up kuya..gawa ka pa maraming maraming articles..wir hir 2 support u..d kami magsasawang basahin mga gawa mo..ayeeeee..god bless kuya.. ^_^

    Komento ni toni | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  4. hi poh kuya,,ang ganda grabe!!!whew!! mamatay na aq kakatawa,,,hahahahahaaha

    Komento ni crystal21 | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  5. harhar… kakatawa naman un kuya!.. naun ko lang nalaman na komedyante ka pala bwahaha…. nafifeel ko parang ako c FIL CO eh… tama ba??
    bwahaha… dont worry kuya propromote ko mga blogs mo sa mga friends ko pati na sa mga teacher ko magmula noong nursery ako hanggang naung college na ako tapos post ko din sa bulletin board sa school namin, tapos ittxt ko ung kakilala kong dj sa radio at pati narin ung anchor man sa tv patrol laoag para iadvertise sa buong ilocos norte ung blogs mo!… oh dba! bongga! sisikat ka na talaga… bwahaha… tapos tatawagan ko rin mga tita ko sa Las pinas at novaliches pati ung lolo ko sa laguna, tapos pagtumawag mama ko sabihin ko rin sakanya na ipromote ung blogs mo don sa mga friends niya sa hongkong…. nakz! pero ganda po talaga lahat ng mga sulat mo… lahat tumatagos sa puso… galing mo po talaga magsulat… wish ko sana makilala ka at ang mga sulat mo sa buong mundo galing mo kc eh…. daig mo pa ung mga international writters… well anywayz hanggang d2 nalang po… keep up the good work! and pagsikat ka na po wak mo ako kakalimutan ah…joke!… alam ko naman po na d kau ganun dba?!…cge po tc keo lagi….

    nagmamahal,
    ate charo santos
    aw! mhei pala..
    bwahaha

    Komento ni mhei | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  6. well well well kua ang ganda

    nakarelate aq. . nyahahah..

    kaso mejo tinamaan aq

    dun ahh nyahahah. . marami na

    sa2yang na oras dahil sa chat

    pero d aq ngsa2yang ng money

    para mg chat noh, , nyahaha la

    lang. . pero ac2ly laganap

    ung topic ng mga article moh

    keep up the goo work kua. .

    ahmm
    jameme nga pla
    or jamela cguro d nyo pa aq kila2
    xe mejo bago lng pero kila2nin nyo na rin poh
    aq para masaya nyahaha. . cgeh bye bye na
    2log na aq

    Komento ni jamela | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  7. magaling magaling magaling….
    okie to kuya ha… ndi ako nabagot magbasa…
    hehehe peace..!!

    nice . . .
    kaso.. . . .. wala ako dun bleh….!!
    pero okie lng thnx ulit dahil ni share mu samin toh!

    :kwuUwizZ

    Komento ni hizumi | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  8. lufet talaga nih kuya jeiro…..

    aaminin koh heheh…..

    halos lahat yata ……..

    akoh ang tinutukoy…..

    sapol kc akoh weh…

    magaling magaling magalaing……

    pwamisss kuya jeiro…….

    papabasa koh toh sa lahat ng…

    mga frends koh……

    heheheh….

    ok kuya…..(galing mo talaga)!!!!!..

    pwamiss…..ingat sana marami pa akoh….

    mabasa nah artcle na gawa moh…..asahan koh yan kuya…..

    whahahahaha….ahihihih….(lufet ng sikat)!!!!!!!

    Komento ni mae | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  9. haha ang kulit,,, pinaka ayaw ko dyan e yung mga emo laslas ang oa kasi nila,, tsk tsk

    xiao!

    Komento ni brath | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  10. hmmm.. basta isa ako jan!😆

    Komento ni camilleeee | Pebrero 12, 2008 | Tugon

  11. ayy oo! grabe! natatawa na lang ako…

    yung iba pa nga eh..puro kalibugan yung id.. amp!

    Komento ni wei vines | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  12. aww, bigla ko tuloy na miss mag chat, tagal ko na di nkakapasok cmula ng magloko ang yahoo rums at napunta sa confe lahat😀

    pero trulili, yang mga cnabi mo sa klase ng mga chatters at alam mo ang mas nakaka loka? yung mga kwen2 sa labas ng chatrums! ang horror ng mga EB’s😀

    Komento ni koreanmine | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  13. haizzzzz……

    napaka drama naman

    hahahan tatawa ako!!!!!

    pero NC ahhh…..

    la ako masabi…….
    (EhhMMMMM))

    hhmmmmmm… geh 2 nalang……

    HAPPY VALENTINES SIKAT!!!!!

    TC nalang keu always and miss ko kaya lahat jan…..

    kahit na ndi nyo ako miss ^^

    kay jeiro!!!

    ahhmmmm…

    sorry non sa kasalanan ko sau ^^ geh TC ka nalang always….

    ang love u all SIKAT!! mmmmuuuuuaaahhh!!

    Komento ni eMoPunkz08 | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  14. astig tlga ang blog na toh!

    ,nkarelate aq sbra..pero xa iba hndi..hehehe

    ,kuya pagpa2loy moh lng poh 2

    ,sa lahat ng mga ka bro at sis q wag nio problmahin ang

    mga prob nio my sulosyon jn..

    ,kac sa SIPAG at TALINO natin SISIKAT tau lahat..

    ,take it easy guyz…. anjn aman c god pra satin

    d nya tau paba2yaan…

    ,luv u guyz…

    ,tecee kau lagi godblez sa lahat lalo na sau kuya jei

    Komento ni chelo__iLuvU 1st__ | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  15. ,,hhhmmmm????
    ,,hanep kuya!,,talagang dami makakarelate nito,,,hahahahha
    ,,,tama ka naman kuya eh
    ,,hindi tayo nakakatiyak sa mga tao sa chat rum
    ,,pero kahit ano man sila bastah may pleasing personality we must treat them what they deserved!!,,hahhaha grabe nosebleed!!,,
    ,,,sige kuya keep writing blogs like this hahahhahaha,,,kakatuwa mga pinaggagagawa natin,,,hahhah
    ,,,ingatz po!!

    Komento ni jhenna | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  16. alin kaya ako dun. hahaha.
    lahat tayo may kanya kanyang ugali.🙂
    tanggapin nlng kng cnu at anu tayo.
    hahaha. keep up the good work kuya.
    ipagpatuloy mo lng kuya ang pagsusulat.
    tiyak na makikilala ka ng buong mundo.
    hehehe. basta kuya, andto lng kme sumusuporta sau.
    sa lahat ng mga blogs mo. :))
    aabangan ko pa mga susunod na susulatin mo kuya.
    God bless.

    Komento ni bunso | Pebrero 13, 2008 | Tugon

  17. weeeeeeeeeeeeee…kewl…..cnU kaya akO dun….

    hehehe

    niCe!!!

    keEp it uP kuya jei!….

    coNtinue mu lng yAng pAgsusulat mu…

    mArami na sayoNg maiinlab nyAn…

    tApos maGkaka asawa ka na rin nYan..XP

    joKE lng…ahihihihi

    cgE kuyA…alam kOng malau mararating ng pagsusulat mu kuyA jei…

    sOmeday malalaman na lahat kuNG gaano ka kagaling magsulat…

    bxtAh kuyA jei…mAgsulat ka ng magsulaT,…bXtah gaLing xa hEart….

    Cge po…

    bxtah nand2 lng akO,..pedE moNg pagtiwalaan kahit saan…

    hehehe

    cgE kuyA jei…

    inGatz,….

    byEbye…
    ^^

    Komento ni rhed | Pebrero 14, 2008 | Tugon

  18. hahah tagalang nagpapakita kung ano meron klaseng mga tao sa chat room, totoo lahat! modern na nga nagayon tama yun na pag di sumunod sa uso napapag iwanan ng panahon, mga tao ngayon na katuon na pansin sa technology. marami tinamaan sa kwentong toh! ^^

    Komento ni EmAn | Pebrero 14, 2008 | Tugon

  19. For a while on 1st saw in my World in Earth i saw Evrything in my side by side my Dad and my mom i dont know wats the point called me im not sure kala kc nila babae me pewo he saw my look like chubby cutie baby , and then dapat call nila skin if tiffany . pewo on ones called me zy zy zy zy zyron kaya nabuo ang aking name and then my tiffany second name pewo binago na ginawa nlng ng Korean Dada ko na tiffen for becouse im a little boy young and then untill 3 yrs old one’s i saw my mom she sad she crying my dad go far a way i dont know to if where he go. im a little boy young and then on my 10yrs oldim a grade student im wash to saw all my eyes im a poor guy my mom working on ricky reyes and then ginawa sya maniger on by my lord i pray for my mom to still go and go dont scared be couse im here in ur life heart and then u and me im spirit intelligent and then my home to small i single bed and one ref one small T.v and then very well Cr .i have a problem BCouse my lola she still in hospital my mom and my tita have bomba bomba an air can use for still life my lola and then on 3months im SO So so very Sad bCouse d nagawa Lumaban ang Aking Lola. All my Family Go To VEry Well Done Crying All . my Czin he Dead nagbikti And then my BRother and sister sa ibang babae ng Dadi ko. Have a Mental Psycly i dont know Wat i can do. all my Story on my Wek up 1 morning and then im Fllng to heaven called me and then hnd ko alm nasa hospital n pla me. on my blocking eyes no Breathng All my sign i dont have point im my heart just i say my mommy she is very GoOd Mother im sorry i want to Go back in Earth. Please i hope my mom she is not Crying again. Thats done. Story. To be Conttinue. on 11 yrs old – 17 yrs old .. Bye dont Fck this life Time. im very Carefull in my Life. Share ur life. in this comment.

    Komento ni ( Name : nOryz ) ( Code : Chai ) | Pebrero 14, 2008 | Tugon

  20. kua…ang nice nman…!!!
    i luv it..
    nice one kua…

    Komento ni jajah | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  21. My Life Is Spiralling Downward I Couldn’t get enough money go to the BLood Red Romance And Suffocate My Dry Concert Its Sucks Cause They Play Some Of My Favorite Songs Like ‘Strob My Heart Because I Love You And Rip Aport My Soul And Of Course ‘Stabby Rip Stab Stab And It Doesn’t Help That I Couldn’t Get My Hair To Do That Flippy Thing Either. Like That Guy From Band Can Do Some Days You Know

    you see me coming your way but you do not want to be seen with me i am a disgrace you say but why you keep calling me back i cannot let this go on i must put an end to it you say you love me you have hurten me before but this time it will be different because i have no heart lef for you to break

    We’re Born Alone We Live Alone, We Die alone. Only Through Our Love And Friendship Can We Create The Illusion For The Moment That We’re Not Alone

    the thing is i’m not worth the sorrow and if you come and meet me tomorrow i will hold you down fold you in deep deep deep im the fiction we live

    Kuya rhodel ung promise mo saken ah pag bakasyon mo dito sa pinas mag kikita tayo ah at sabi mo pa mag lalakwatcha tayo ^^ kahit naging mapang ahas ako sa room binigyan mo pa ako ng pag kakataon ikaw talaga ang bossing ko wish ko lng sana maging main owner din ako tulad ni khen dahil dati co owner lang sia naging main owner na ^^

    Ito LanG Kaya Kong I Post Eh Sorry Poh Atleast Naka Pag comment Ahihihi Peace

    Komento ni Troy Khun | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  22. gnda dn nito kuya botchong este kuya jeiro!!

    Komento ni jason | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  23. w0w grabe kua nka2twa ung gwa moh ahahah

    nkarelate ako sa isa dun wahahahah secret ko na un kung anu ako dun wahahahah ging kua ^__^

    sna mka uwi kna kua jhei meet tau huh ahahahahah

    Komento ni jhonar | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  24. nga pla, paki-edit na lang nung link ko sa blogroll mo.

    eto link ko.. >> http://camilleeee.wordpress.com/

    tnx. maglilibot muna ako dto sa bahay mo ha😉

    Komento ni camilleeee | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  25. wala bang BLOG about sa HOTDOG at ITLOG? wahahaha xD

    or NINJA vs SKATER? ahahaha!

    Komento ni SCREEPAS | Abril 6, 2008 | Tugon

  26. “~wahahahah..

    “~xobRang nakaRelaTe ako dun ha“`

    “~glinG nmN“.

    “~whahhhah~

    “~favorite ko c fil co nd poser..

    “~whahahh… actually lhaT,,..

    “~nakakaTuwa nmn unG nagSulaT nun,..

    `~!niCe onE“

    whahaha~

    Komento ni LySsa13 | Setyembre 7, 2008 | Tugon

  27. Naku nabasa ko ang blog mo grabe talaga pag nasa chat rooms.Yung mga user Id’s nila minsan relate sa pagkatao nila. Well may kwento ka na about the lover’s feeling nila kanilang mundo na. Parang nakaka relate ako dun. hehehe kasi na meet ko boy friend ko sa chat lang, yun everyday we’re chatting at feeling namin we have our own world pero totoo yung pag-ibig namin sa isat-isa walang ka plastikan. He’s planning to meet me in the right time, swertihan lang talaga. di naman lahat ng nasa chat room eh! mga liers syempre mayroon din naman totoo at seryoso. Nakakawiling basahin ang mga nilathala mo. Pag patuloy mo!:)

    Komento ni kiray | Setyembre 19, 2008 | Tugon

  28. kht papanoh poh naka2rel8 naman aq sa mga jokes mohe he hehe

    Komento ni Crisel Dela cruz | Marso 21, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: