Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Sana Tulad Mo Umiyak Rin Ako

             Isa akong aborted child, hindi ako nabigyan ng pagkakataon na buhayin ng aking mga magulang. Hindi ko lubos maisip na mismo ang aking sariling magulang  ang siyang papatay sa akin. Wala akong alam na ginawang pagkakasala sa kanila. Kung ako ang naging resulta ng kanilang pagkakamali  bakit kailangang ako ang sisihin at magbayad sa isang bagay na wala naman akong kinalaman. Sabi nila ako raw ay bunga ng pagkakasala at hindi nila kagustuhan ang maisilang ako, oo naiintindihan ko ang kalagayan nila ngunit  hindi naayon ang pagkaitan ako ng karapatang mabuhay. Noong pinag-iisipan pa lamang na ako ay ipalaglag, nararamdaman ko  na ang takot at pangamba kahit nasa loob pa lamang ako ng sinapupunan ng aking ina.Kung magagawa ko lamang na magsalita sa mga panahong iyon at ibulong sa kanila  “ Inay, Itay…  huwag ninyo akong patayin, maawa po kayo sa akin , anak n’yo ako.!”, ngunit huli na ang lahat. Nagpupumiglas ako, pinipilit kong lumaban sa mga kamay ng mga taong kinasangkapan ng aking mga magulang para patayin ako  ngunit  sa huli nanaig pa rin ang balak nila sa akin, gumuho ang pangarap ko na masilayan ang kagandahan ng mundo. Hindi ako binigyan ng pagkakataon na maisilang. Inay, itay, kung alam lamang po ninyo ang kasabikan kong makita at mayakap kayo.
                 Isa lamang ako sa milyon-milyong sanggol na hindi pinalad na maisilang dahil sa kasakiman ng aming mga magulang. Nakababahala na ang pagdami ng bilang ng mga katulad ko.Ang panawagan ko sana ay pakinggan ng lahat, huwag naman sana ninyong ipagkait ang karapatan naming mabuhay sa mundo. Mahalin ninyo kami, kami ang karugtong ng inyong buhay. Ngayon nakaririnig na naman ako ng pag-iyak buhat sa isang sanggol. Maligaya ako sa iyong pagsilang, napakapalad  mo kasi kahit hindi mo pa nasisilayan ang liwanag ng mundo minahal ka na ng iyong mga magulang Matapos ang siyam na buwan sa sinapupunan ng iyong ina, heto ka ngayon naririnig ang iyong pag-iyak nagkaroon na rin ng kaganapan ang iyong pagiging tao. Kunsabagay, nasa loob  pa lamang tayo ng tiyan ng ating ina, may pintig na tayo. Mayroon ng nagsisilbing binhi ng buhay na nakalaan para sa atin. Ngunit hindi lahat ng binhi ay nabibigyan ng pagkakataon na mabuhay at lumago. Alam mo noong  nasa sinapupunan ako ng aking ina, marami akong pangarap para sa kanila. Sinasambit ko na kapag nailuwal na ako ng aking ina mamahalin ko sila nang higit pa sa buhay ko. Pero hindi pala mangyayari ang lahat ng iyon, ang pangarap na iyon ay naging isang masamang bangungot para sa akin.Naririnig ko ang  pag-iyak mo, Iyan kasi ang unang bukambibig  ng  bawat sanggol pagkatapos mailuwal buhat sa sinapupunan ng kanyang ina.  Sana tulad mo, naranasan ko rin kung paano umiyak.
  

Pebrero 14, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. Abortion is inhumane, even though we can’t say that a developing child inside a women’s womb is not yet human, we should gave them a chance to live anyway. They are gift from god, all regrets will be at the end and it might be too late once we realize our mistakes in life. We all always have a choice in life, we just need to make wise decision and rightful decision.
    >>there’s lots of circumstances when a woman might choose to abort. Rape; choosing between a mother and a child’s life in a near death situation……………..

    Komento ni LIGHTNING | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  2. yah right emman. its sinful. u have no right to take away d life of an innocent child. omg! the fetus’ in d video. nakakaawa. theyre gifts from god..theyr angels. i guess most of the gurls who had their child aborted were those who were unmarried. those teenies who were engaged in premarital sex. safe sex is no sex ok. ahekz! pacnxa, nadala lng ako sa video..huhuhuhu T_T

    kuya nice one. dont worry i wont do it. hehee. if ever ill be pregnant,(kelan pa kaya un?) d ko papa abort baby q. :p

    Komento ni toni | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  3. we are lucky because we’re alive….gawagawa kaya ng baby d naman kayang panindigan..haizzz..mga tao nga naman……daddy jeiro is a perfect writer..proud aq sau daddy jeiro..

    Komento ni crystal_crysam_sam | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  4. haaay. wawa naman siya. :((
    pahalagahan ang buhay.

    Komento ni bunso | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  5. ang swerte qu nmn at hindi aq inabort ng MABAIT kong magulang!! huhuhu=(( kaaasar gnung magulang gagawagawa di nmn kyang panindigan!! kuya gnda!!

    Komento ni jason | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  6. kuya suggestion gwa ka nmn po ng tungkol sa mga fransiscanong ngtravel pra ispread ang word of God

    Komento ni jason | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  7. kuya… naiyak aq sa video huhuuhhhhuhu… kuya dnt worry d ko ipa2abort ung soon 2 be my baby… hehehehe
    naka2awa tlga ung mga baby na inabort….. huhuhuhuhu

    Komento ni Cristine | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  8. sa lahat ng nakabasa nito, balang araw magiging magulang din kayo, maaaring dumating din sa inyo ang ganyang stwasyon,isipin ninyo na katulad ng inyong magulang kayo ay binuhay, sana wag ninyo ipagkait ang karapatan na mabuhay ang nagsisilbing karugtong ng inyong hininga., ang inyong magiging anak. Ang Diyos lamang ang may karapatan na kumuha ng buhay na pinahiram sa atin HINDI KAYO.

    Komento ni botchong | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  9. abortion is a mortal sin. yun lang hehe. yung tanong mo, nsa page ko sinagot😀 by the way, bakit ang liit ng font mo? lolz.

    add kita sa links ko ah.. welkam ulit dito sa WP!😉

    Komento ni lilmiz | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  10. Abortion is for adults.”

    “Please abort responsibly.”

    Abortion kill babies

    Abortion causes traumatic effect for the rest of your life

    Abortion procedure mutilates baby body parts

    No guarantees in abortion, you may die in the process

    Abortion will not set you guilt free

    You and your abortionist are murderers

    Before you abort, please consider adoption…and

    Next time you have sex, make sure he’s your husband!

    The last one will probably hit some of our fellow bloggers. Remember, its just a warning label…So, if it doesn’t fit, don’t fret. If you feel guilt, then quit. Not a rebuke, but only TRUE friends will lovingly confront us, when we go astray. Just part of educating ourselves. We can’t be conservative in words only, but also in deeds….

    Komento ni Red | Pebrero 15, 2008 | Tugon

  11. ang swerte natin noh???kahit sinasabi natin na pasan natin ang daigdig, at least nasilayan natin ang mundo…kaya guyz, wag ntin ipagdasal na mamatay na sana tayo sa tuwing nahihirapan na tayo, darating din ung tamang panahon para jan…just LIVE UR LIFE TO THE FULLEST!!!!

    Komento ni eYna | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  12. Astig! talaga! kakaiyak nga yan.. buti na lang nga mabait din magulang ko ^^.. galing mo kuya!

    Komento ni Shuyan | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  13. nice entry! Marami dyan gustong magkaanak pero hindi mabiyayaan, heto naman ang iba na walang awang pinalalaglag yung anak nila na wala man lang kalaban-laban.

    Komento ni angel | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  14. ahhh nka2touch nman yan kua ^___^

    swerte ko na d ako pna abort😄

    pwede na writter kua jhei ahhh

    kakaiyak gud kua😥

    Komento ni jhonar | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  15. astig nman ng ginwa mo!!
    nka2iyak ung song huhuhu..
    panu mo naicip lhat un??
    pwede k ng mging writter nyan..:-*

    Komento ni julie | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  16. kuya jei,like ko ito na artikle as in like ko xa……………….tama ka aborsion means murder!!!!!God bless po..more power po sa sau!!!!!

    Komento ni bhadZ | Pebrero 19, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: