Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

LOVE… AYAW KO NA

          

                             Darating ang isang tao na magpapakita ng concern sa iyo. Sa umpisa mag ti- text ng mga love quotes, o kaya mga nakaka – kilig na message na kikiliti sa iyo.Tuwang-tuwa ka naman kaya nga kahit maubusan ka ng load hindi deal sa iyo yun. Para sa iyo kahit pudpud na ang mga daliri mo sa kaka text ok lang ang mahalaga nagkakaintindihan kayo.Lahat ng mga messages na natatanggap mo sa kanya naka save lahat yun para maya-maya uulit- ulitin mong basahin. Bongga naman  kasi ang entance ni kupido na nagsisilbing i-witness sa inyong pag-iibigan. Ang love nga naman, kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat kahit maubusan ng load.                                                  
        
             Habang tumatagal mukhang nagbago na yata ang ihip ng hangin, naubusan  na ng charm at  naging maasim na ang sweet mo. Ngayon para kang asong tahol nang tahol sa kasasabi na tawagan ka man lamang. Gasgas na daliri mo sa kaka text, ubos na ang load mo ni isang hi or hello wala kang natatanggap, Hindi mo alam kung gumagalaw pa ba yun.  Pag tinatawagan mo may sumasagot nga kaso  the number you dial is out of coverage area ang naririnig mo,  hanep ang lufet talaga ng mahal mo.                                                                                 
             Totoo ang kasabihang expect the unexpected lalo na  kapag relationship ang pinag uusapan. Kasi kapag nagmahal tayo inaakala natin na pang matagalan  na ‘yon, hindi natin pinaghahandaan na maaaring sa wala rin mapunta ang pakikipag relasyon natin. O, huminga ka muna siguro kailangan mong uminom ng isang basong tubig seryoso na kasi itong pinag uusapan natin.Bigla kasing umasim ang mukha mo at ngayon nagmumukmok ka  sa isang tabi. Ganyan talaga  friends, minsan may darating sa buhay natin na iisipin natin na happy  ending na ang  storya , pero hindi pala. Papasok lang sila panandalian lamang para patikimin tayo o kaya enter lang sila sa puso mo para mag- iwan ng sakit sa atin, aray ko… tinamaan ata ako dun ah..           
              Masakit marinig ang mga salitang  gud bye, friends na lang tayo, o kaya no hurt feelings, lalo na sa taong minsan na ring nagpasaya , minahal at naging bahagi ng buhay mo. Madali lang masabi ang lahat ng iyon ngunit ang mahirap ay kung paano matangap ang katotohanang ayaw na niya sa iyo dahil may iba nang nagpapaligaya sa kanya. But that is not the end of everything. Kahit nasaktan ka kailangan mong mag move on dahil hindi naman umiikot ang mundo mo dahil lamang sa kanya.                       
             Huwag kang matakot na  muling mag magmahal. Remember na kapag may nawawala, may dumarating at  mas karapat- dapat pa kaysa sa mga nauna.Kapag muling pinana ulit ni kupido ang puso mo, ihanda mo na ang sarili mo na masaktan, huwag kang matakot dahil walang nagmamahal na hindi nakararanas ng sakit at kabiguan. Tandaan mo na sa bawat sakit na iniwan sa iyo, ang positibong bunga ng lahat ng iyan ay katatagan mong harapin ang anumang sitwasyong bumabagabag at nagpapagulo sa iyo. Lalo mong nakikita ang tunay na mukha ng pag-ibig sa bawat kabiguan na nararanasan. Huwag mong pigilan ang sarili mo na magmahal hanggang hindi dumarating ang taong nakalaan at magmamahal nang tapat sa iyo.            

Pebrero 16, 2008 - Posted by | Uncategorized |

Mga Puna »

  1. “…Huwag mong pigilan ang sarili mo na magmahal hanggang hindi dumarating ang taong nakalaan para sa iyo at magmamahal nang tapat sa iyo….”

    agree ako, at siguro isipin nlang natin na isa to sa mga ‘phases’ ng buhay na we have to get thru. masarap magmahal. masakit pag nasaktan. pero ganun talaga. ang importante, nagmahal tayo at minahal din kahit papano.

    Komento ni camilleeee | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  2. uu ngah tama yung snavi n cz camille lahat nman tau magkakaroon ng relasyon..nagmamahalan ng todo..
    agree aqoh dun!! ^_^

    Komento ni jajah | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  3. aq??love?? hehehehe tgil nlng magpapari nlng aq!! dba kuya?! =))

    Komento ni jason | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  4. yup yup. tama nga.
    hehehe. ang sarap ng feeling pag may nagmamahal sau.
    at minamahal mo rin siya.
    hehehe. need lng ng tiwala.🙂
    aus kuya ah.
    bigo ka po ba sa pag ibig?
    hhehe chok lng. =]

    Komento ni bunso | Pebrero 16, 2008 | Tugon

  5. ,love???

    , tama lahat ng nkalagay s blog!!

    , being hurt is part ov being inluv..

    , sbi nga..

    , kpog d ka nsaktan s pagma2hal..

    , it mins na hindi un tru love!!

    , coz true love rilly hurtz!!

    , uu, masakit, mahirap, peo we nid to be loved & fall in love!!

    , but dnt giv the 100 % V ur LOVE…

    , kpg ngmahal…

    , dapta ms handang masaktan!!!

    , 4 ur sake!!

    , bsta un lng msa2bi ku!!

    , wag mgmahal ng lubos pra d masaktan ng higit!!!<anu daw???

    , love is like a war!!!

    , easy 2 begin…

    , hard 2 end……..

    , lab yha guyz….

    , teik keir!!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  6. gnda nmn ahihihihi…..
    sana mrami kpang magawang article kuya…
    ahihihhi…..

    Komento ni prince cute | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  7. eow daddy jeiro ang galing galing mo talagang magsulat,,grabe^_^

    Komento ni crystal_crysam_sam | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  8. ayos tinamaan, tama kuya, sa bawat sakit may kapalit nyahahahaha dapat kinikilala muna natin ang isang tao bago natin mahalin ng lubusan para di tayo masaktan yung lang, salamat salamat.

    Komento ni LIGHTNING | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  9. korek, inde talaga natin masasabi kung pangmatagalan na ba ang isang pagmamahalan.. may kilala ako, 4yrs na sila tapos bigla ba naman naghiwalay dahil ang babae ay may bagong nakilala, ano kaya yun? hehe.. nga pala kuya, mali yung link mo sakin😛 http://lilmispasaway.wordpress.com/ dapat hehe

    Komento ni lilmiz | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  10. should i say:

    that’s life?

    ‘WEI’ of life?

    or maturity?

    Komento ni wei vines | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  11. maybe ur right kuya..but i think not all..hehehe..im still hoping 4 sumthing samin ni mhar..i bliev in him :p

    Komento ni toni | Pebrero 17, 2008 | Tugon

  12. well, dumarating talaga yan sa isang relasyon…. but not for me. ^^

    Komento ni foobarph | Pebrero 18, 2008 | Tugon

  13. kamote sapol ako d2 grabe ang lufet mu talga sapol ako huhuhuhuh

    Komento ni chekwa_qt | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  14. Huwag kang matakot na muling mag magmahal. Remember na kapag may nawawala, may dumarating at mas karapat- dapat pa kaysa sa mga nauna.Kapag muling pinana ulit ni kupido ang puso mo, ihanda mo na ang sarili mo na masaktan, huwag kang matakot dahil walang nagmamahal na hindi nakararanas ng sakit at kabiguan.

    Tma k d2 kuA j…aZTiG
    i LoVe mY gf hehehe

    Komento ni dunCaN PauL LoRenZe | Pebrero 24, 2008 | Tugon

  15. that is love… it is beautiful and somewhat ugly at the same time… but we take risks!

    Komento ni Chloe | Pebrero 29, 2008 | Tugon

  16. ouch!!
    un lng msasabe ko..
    sapul ako eh.. :c

    Komento ni LyNTiK | Mayo 18, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: