Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

POSER, POSER… PAANO KA NAGAWA?

       

  

                 Marami na talagang nagkalat na peke sa mundo. Para silang mga kabuteng bigla na lang sumulpot kung saan-saan. Hindi na mapigilan ang pagdami ng lahi nila.Ewan ko ba, kahit anong gawin patuloy silang dumarami . Kahit ang ating pamahalaan hindi magawang lipulin ang mga peke na iyan. Sandali nga… baka naman pati mga taong gobyerno fake  na rin lalo na yung mga nanalo raw sa ibat ibang posisyon sa pamahalaan.Totoo bang nanalo kayo o sa dagdag boto?. Nakatatakot tuloy  baka hindi natin namamalayan  hindi na pala tao at galing  yata sa ibang planeta ang namumuno sa atin.

               Hay ! ang buhay nga naman, imagine dati mga bagay at kagamitan lang ang pwedeng gawan ng paraan ng mga magikero. Kapag kailangan mo ng mga dokumento like birth certificate, passport o kahit personal na ID punta ka lang sa Recto sa lungsod ng Maynila, hindi pa nag-iinit ang puwet mo sa kinauupuan mo nasa harap mo na yung kailangan mo kaya nga magic eh. Kapag kasuotan naman ang pinag-usapan, dami ring pekeng kumakalat kahit maraming nakakaalam na imitation lang yan o kaya galing  sa Divisoria .Ilalaban pa nila nang patayan at ipangangalandakan nila na  original at sa shopping mall nabili yan para masabi lang na they’re rich and hard to reach.

              At heto ang masaklap at malupit talaga. Dahil usong-uso na ang internet ngayon, dumarami rin ang bilang ng mga tinatawag na POSER. Sa lingwahe ng mga adictus sa internet, sila yung mga alien este mga tao na gumagamit ng ibang picture na hindi naman sa kanila.Laganap sila sa friendster, myspace at pati na rin sa chat para gamiting pang-akit sa mga natitipuhan nilang biktimahin. Hindi mo tuloy alam kung bakit ayaw nila magpakilala, kasehodang panget sila o baka naman sila ay nagmula pa sa bundok tralala o baka totoo ngang may U.F.O  kaya ayaw magpakita baka kasi tumayo lahat ng buhok natin sa katawan pag naaninag sila.( takot ako!!!) Nakatatawang isipin na  maraming nabibiktima rito, at take note ah marami akong kilala sa chat rum na nakikipag mabutihan sa mga taong naging basehan lamang ay ang picture. Mahilig kasi sa maganda at gwapo hayun  huli na  nang malaman nilang  poser lang pala iyon, (aruyyy!!!). Hayan e-engot-engot kasi, ano ngayon ang napala mo?  Nagpahuli ka sa matatamis na dila at inakala mo na sila yung  nasa picture na yun. Pinagmayabang mo pa sa mga friends mo na  naka jackpot ka  ng ginto yun pala tanso nakuha mo.

                   Ang tuwa mo  napalitan ng ngawa. Sa susunod kasi huwag basta ibigay ang lubos na pagtitiwala lalong – lalo na sa mga taong nakilala mo lang sa internet. Ilagay mo yan sa kamote mo este  kukote pala, lalo na sa mga teenagers na nakababasa nito na  huwag makipag mabutihan o pumasok sa isang relasyon dahil lamang sa nasilaw  sa kabigha -bighaning picture na ninakaw lamang pala nila sa iba.Higit pa ring mainam na maging matalino bago pumasok sa isang bagay lalo na’t hindi ka sigurado upang hindi mabiktima ng mga poser.

               Sa inyo namang mga poser, wala ba kayong mukha at tinatago ninyo ang sarili ninyong identity? Hindi naman kayo nagmula sa pre-historic era o kaya galing sa galaxy  para hindi iladlad ang pagmumukha ninyo sa mga nakakausap ninyo. Sa madaking salita, huwag na kayong gumamit ng mga picture na hindi naman sa inyo. Alam ninyo sa totoo lang ,hindi naman lahat sa panlabas tumitingin. Mas marami pa rin ang mga taong naniniwala na mas mahalaga ang panloob na katangian kaysa sa panlabas na katauhan ng isang tao.Wala kayong mapapala sa sarili ninyo kung patuloy ninyong ginagawa ang pagnanakaw ng ibang katauhan. Lalo lamang ninyo pinapababa ang natitirang respeto sa inyong sarili.Wala kayong ibang niloloko kundi ang mga sarili ninyo. Pwede ba, tigilan na ang pamimirata ng ibang picture upang sa bandang huli matapos na ang walang katapusang tanong na patuloy na lumalaganap sa  daigdig ng internet  na nagsasabing; POSER, POSER… PAANO KA NAGAWA?

Pebrero 17, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. ok kuya ung blogs wah..
    ngaun alm n nila ung 22o nyahahaa…
    galing mo kuya …
    gudluck ..
    gawa k pah ng madami blogs..

    Komento ni khen | Pebrero 18, 2008 | Tugon

  2. hahah mga taong walang magawa lang yang mga poser, inaaksaya lang nila oras nila sa pagpapanggap. Ano ba makukuha nila sa pagpapanggap WALA din nyahahaha trip lang ng mga taong walang life yan. purpose nila – manakit ng damdamin at tumawa lang siguro yun lang ang benefit ng pagiging isa nila, hahah! Everyone has a choice nga yan ang pinili nila heheheheh😀

    Komento ni LIGHTNING | Pebrero 18, 2008 | Tugon

  3. c emman poser yan.ahihihih joke! honga kuya. may tama ka. wla nga cla makukuha sa mga ginagawa nla. nakakahiya pa pag nabisto cla na cla tlga un..hehehe. pro im sure d poser c destroyer..nkita ko na un sa cam ehh. dba emman? ahihihi. kuya lagay mo na din d2 ung kwento ko. d ako magagalit. hehehe.

    Komento ni toni | Pebrero 18, 2008 | Tugon

  4. ngak! kla qu kalokohan lng 22o pla 2!! anywayz lupet!!
    mgtgo na ung mga poser

    kung hindi..

    hahantingin kau ni kuya jei!!

    hehehe

    Komento ni jason | Pebrero 18, 2008 | Tugon

  5. , haaizzz….

    , uu nga…

    , super dami n ng POSER s mundong ito!!!

    , grabe s pagpapanggap kung saan maraming ngaaway dahil lamang s litrato n gamit nila sa internet…

    , ngunit, subalit, datapwat…

    , d b kayo kontento s mga itsurang biyaya sa inyo ng PANGINOON????

    , bkit nyu kailangan magtago s likod ng ibang tao???

    , bawat nilalang ang my kanya2ng itsura na dapat nating ipagmalaki!!

    , we shud be proud of wt GOd has given to us….

    , and definetly…. we shud be contented on wt blessings has given…

    , we shud cherished and treasured each blessing..

    , and be proud of it!!

    , besides… its for r sake nmn…

    , kailangan ntin ng confident s ating sarili pra n rin s ating ikabubuti!!

    , kaya…

    , ung mga POSERS jan…

    , stop that!!

    , and be proud of wt u hav!!

    , for us,…. the real!!!

    , taas noo nating ipamalaki ang biyayang ating natanggap!!!!

    , kuya…

    , pagpatuloy mu lng po!!

    , we r proud of u kuya!!!

    , taas noo tayo guyz!!!!!!!

    , gOdbLeesss….

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  6. , haaizzz….

    , uu nga…

    , super dami n ng POSER s mundong ito!!!

    , grabe s pagpapanggap kung saan maraming ngaaway dahil lamang s litrato n gamit nila sa internet…

    , ngunit, subalit, datapwat…

    , d b kayo kontento s mga itsurang biyaya sa inyo ng PANGINOON????

    , bkit nyu kailangan magtago s likod ng ibang tao???

    , bawat nilalang ang my kanya2ng itsura na dapat nating ipagmalaki!!

    , we shud be proud of wt GOd has given to us….

    , and definetly…. we shud be contented on wt blessings has given…

    , we shud cherished and treasured each blessing..

    , and be proud of it!!

    , besides… its for r sake nmn…

    , kailangan ntin ng confident s ating sarili pra n rin s ating ikabubuti!!

    , kaya…

    , ung mga POSERS jan…

    , stop that!!

    , and be proud of wt u hav!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  7. kamote buti na lang ako nde ako poser heheh sapol ang mga poser sau kamote azztig ka grabe

    Komento ni chekwa_qt | Pebrero 19, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: