Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

Matapang Ako Walang AangaL

                       “ Sige nga kung matapang ka hawakan mo nga ilong niya, Duwag ka naman pala,”

                        “ Anong duwag, siya kaya muna mauna”.

                

               Natatawa ako kapag naalala ko ang mga katagang ito. Bumabalik tuloy sa aking alaala ang kalokohan ko noong ako ay bata pa lamang, isa rin kasi ako sa  mga  nambubuyo kapag may nag aaway. Sarap kasi panoorin kapag may nagsusuntukan hihintayin mo kung sino ang matibay sa dalawa. Kung sino ang hindi bumabagsak ‘yun ang mas matapang sa kanilang dalawa. Ang iba naman  kahit malaki ang kalaban nila  pipiltin nilang mag tapang –  tapangan  para hindi masabihan na duwag. Kahit alam nilang wala silang kalaban- laban,  susugod pa rin sila dahil kung hindi walang katapusang  kantyaw ang kanilang matatanggap. Baka nga bansagan  pa silang duwag o sabihan ng  bakla.Hihintayin na lang  nila  na may umawat  para matapos ang shooting nila. At ang ending, pareho silang katawa- tawang tignan dahil sa mga sugat na kanilang tinamo. Ang mga bata nga naman….

                Ang mga karanasan na iyan ang dahilan marahil kung bakit nakatanim na sa isipan ng marami lalo na sa mga kalalakihan na ang katapangan ay nasusukat lamang kung gaano kalakas ang kanilang kamao.Matapang ka na kapag marami kang napabagsak. Para sa iba, dagdag sa pagka-lalake ang dami ng bilang nang napatumba nila. Sa mga kabataan ngayon para masabihang matapang at hindi duwag, sumasali sila sa mga samahan ng siga sa kanilang lugar.Ang tanong, sa ganyang paraan ba nasusukat ang katapangan ng isang tao? Ang mga matatanda nga naman…

                Ang katapangan ay hindi pang gender na issue.This is not only exclusive para sa mga kalalakihan.Kahit sino pwedeng ipakita ang kanilang katapangan  kahit sa mga kababaihan or even sa mga third sex. Habang lumalaki tayo nararapat lamang na lumawak ang ating kaisipan lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa ating sarili. At isa na rito ang pagkakaunawa natin sa salitang katapangan.  Sa mga bata, ang pagiging matapang ay pinapakita sa pisikal na deskripsyon nito. Ngunit sa ating mga matatanda kasama na ang mga umuusbong na kabataan ngayon, hindi dapat manatili sa  isipan na ang sukatan ng katapangan ay nasa pisikal na lakas.Kung noong  bata tayo kamao ang sukatan ng katapangan, ngayon ang lakas ng pag-iisip na kontrolin ang anumang galit na namumuo sa dibdib , ang tamang pagharap sa responsibilidad, at kung pano ka manindigan sa iyong paniniwala lalo na sa pagsisiwalat ng katotohanan ang siyang  tunay na kahulugan ng katapangan“. 

             

Pebrero 19, 2008 - Posted by | Uncategorized

Mga Puna »

  1. gnyan aq hehehehe

    Komento ni jason | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  2. w0w……………………………………pwede yun na lang kc wala na aq masave grabe kuya jei galing mo talaga magsulat.. =)

    Komento ni crystal_crysam_sam | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  3. w0w……………………………………pwede yun na lang kc wala na aq masave grabe kuya jei galing mo talaga magsulat.. =)

    Komento ni crystal_crysam_sam | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  4. oo nga naman🙂

    Komento ni lilmiz | Pebrero 19, 2008 | Tugon

  5. tama. pag alam mong totoo ka sa sarili mo, wala kang dapat ikatakot.🙂

    Komento ni camilleeee | Pebrero 21, 2008 | Tugon

  6. d ako matapang.😦

    Komento ni toni | Pebrero 25, 2008 | Tugon

  7. , matapang???

    , aq???

    , d ku lng lam..

    , peo handa aq panindigan ang bawat cnasabi at decxon n ginagawa kue…

    , lalo n kpg alam ku n tama.. at wla aq nasasagasaan n buhay..

    , dhil ang pagi2ng matapang ay hindi lamang nki2ta s paki2pagaway…ngunit, subalit, datapwat..

    , nki2ta ito s iyong determinasyon..

    , determinasyon s mga gz2 mu gawain s buhay…

    , lalo n kpg s decxon n un ka magi2ng masaya..

    , ung mga ngta2pang-tapangan jan.. my determinasyon at pani2ndigan b kau s buhay????

    , kaialngan lng maging matatag habang tumatagal ang panahon..

    , problem completes are life..

    , dun din tau pede maging matapang…

    , wag ntin intindihin ung mga taong naiinsecure ‘coz…

    , “life is too precious to wori about insecured person around us”

    , kuya.. astig ka tlga!!!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Marso 4, 2008 | Tugon

  8. , matapang???

    , aq???

    , d ku lng lam..

    , peo handa aq panindigan ang bawat cnasabi at decxon n ginagawa kue…

    , lalo n kpg alam ku n tama.. at wla aq nasasagasaan n buhay..

    , dhil ang pagi2ng matapang ay hindi lamang nki2ta s paki2pagaway…ngunit, subalit, datapwat..

    , nki2ta ito s iyong determinasyon..

    ,s mga gz2 mu gawain s buhay…

    , lalo n kpg s decxon n un ka magi2ng masaya..

    , ung mga ngta2pang-tapangan jan.. my determinasyon at pani2ndigan b kau s buhay????

    , kaialngan lng maging matatag habang tumatagal ang panahon..

    , problem completes are life..

    , dun din tau pede maging matapang…

    , wag ntin intindihin ung mga taong naiinsecure ‘coz…

    , “life is too precious to wori about insecured person around us”

    , kuya.. astig ka tlga!!!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Marso 4, 2008 | Tugon

  9. im not brave to face all my problems xD

    Komento ni bunso | Abril 6, 2008 | Tugon

  10. ahahah bravery…di lang nasusukat sa physical kundi sa mind din…para sakin “we must treat everyone with dignity and respect”…at mas mabuti na maging mas matalino kaysa mas malakas na physical kasi “how you going to deal with someone who has such a great intelligence if you only have if a physical strength that can be depleted”
    … one more thing pa pala alam nyo din na “courage never fails” pero it depends sa pinaglalaban natin di lang sa alang kakwenta kwenta suntukan (childish) kundi sa mas makabuluhan na may kakalabasang something good naman xD…hahaiz tao nga naman panay basag ulo…If u want respect you have to earn it…indi sa paraan na makikipag away…^__^ PEACE TO ALL…

    Komento ni EmMan KiTT | Mayo 4, 2008 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: