Botchong’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

LAST TRIP

  Isang umaga habang lulan ng isang pampasaherong sasakyan pauwi sa aking tinitirahan, nakatawag- pansin sa akin ang isang kabataan na nakaupo sa kabilang dulo ng dyip. 154577362_2 Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, hindi ako maaring magkamali kilala ko ang taong iyon. Binasag ng katahimikan ang pagtawag niya sa aking pangalan. At doon ko napagtanto na hndi lamang sa kakilala ko ang kabataang ito bagkus isang kanto lang ang layo ng kanilang bahay sa amin. Sino ba ang hindi makakakilala sa kanya, isa sya sa mga lider ng isang “ fraternity” sa aming lugar na binubuo ng halos kapwa niya kabataan. Lagi silang laman ng aming barangay dahil sa ibat ibang kaguluhang kinasasangkutan ng kanilang grupo. Maliban doon, madalas silang nakikita na nasa isang madilim na sulok upang tumikim ng pinagbabawal na gamot.

                        Sa mga sandaling iyon, nakita ko na maayos ang kanyang pananamit at hindi mo aakalain na siya yung kabataang aking tinutukoy. Habang lulan ng sasakyan, nakipag kwentuhan ako sa kanya at doon ko nalaman na inaayos nya ang kanyang ibang mga dokumento upang makapasok sa kursong bokasyunal na pinamamahalaan ng mga paring salesyano sa aming parokya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad kung kaya’t hindi na ako nagdalawang isip upang tulungan ang kabataang ito. Bumaba kami sa simbahan at hinanap namin ang kaibigan kong pari upang matulungan siyang makapasok sa “ training center”. Laking pasasalamat ko nang malugod siyang tinanggap. Sa unang pagkakataon nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi tanda marahil ng kasiyahan na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Bago kami maghiwalay, sinabihan ko ang kabataang ito na pupunta ako kinabukasan sa kanilang tirahan upang kausapin ang kanyang magulang.

                       Kinabukasan tulad ng aking naipangako sa kanya, pinuntahan ko siya sa kanilang bahay upang magkaroon ng pagkakataon na makausap ang kanyang mga magulang. Nang malapit na ako sa kanilang tinitirahan, nakita ko ang maraming tao at habang papalapit natuklasan ko na mayroong nakaburol sa kanila. Inisip ko marahil baka kamag- anak lamang niya iyon. Ngunit laking gulat ko nang makita na siya pala ang   pinaglalamayan. Habang pinagmamasdan siya hindi ko namalayan na unti -unti na palang dumadaloy ang luha sa aking mga mata. Nalaman ko sa kanyang mga magulang na siya ay pinatay sa pamamagitan ng saksak sa leeg at sa tagiliran ng isa sa mga kasamahan niya sa fraternity noong araw ding iyon matapos ang aming pagkikita. Lubos akong nanghinayang sa kinahinatnan ng nangyari sa kabataang ito dahil kung kailan niya gustong ayusin ang kanyang buhay, hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataon.

                         Maikling panahon lamang ang itatagal natin dito sa mundo. Kung kaya’t marapat lamang na bawat oras bigyan natin ito ng saysay at kulay. Ang pagbibigay halaga sa buhay ay hindi dapat simulan kung kailan malapit ng dumating ang ating kamatayan bagkus habang bata pa simulan nang mahalin at ingatan ang buhay na ipinahiram sa atin ng Maykapal. Walang sinuman ang nakaaalam kung kailan matatapos ang ating paninirahan sa daigdig. Katulad ng kabataang nakasakay ko sa pampasaherong sasakyan, wala siyang kamalay- malay na ito na pala ang kanyang magiging LAST TRIP.

Pebrero 11, 2008 - Posted by | Uncategorized | ,

4 mga puna »

  1. huhuhuhuhu,,kawawa namas siya!!!,,wala akong masabi tuloy,,

    Komento ni jhenna | Pebrero 13, 2008 | Sagutin

  2. haizzzzzzz…wish ko lang di pa ito ung last comment ko…buti pa nga xa walang kamalay-malay…he’s not expecting na mawawala n xa…mas masakit kc kung alam mo n malapit k n talagang mawala pero hindi mo alam kung kelan…ang hirap magpaalam sa mga taong iiwanan mo…di mo alam kung saan k mgccmula…di mo alam kung cnu ung unang taong sasabihan mo ng “paalam na, aalis na ako at di na muling babalik pa…salamat sa lahat ha”…di mo alam kung pano ipapaliwanag sa kanila kung bakit aalis ka…grabe!!!ang hirap…san kaya ako magccmula???sino ung unang taong sasabihan ko???ano kaya ung magiging reaksyon nila???ano kaya ang gagawin nila???…isa lang masasabi ko sa lahat ng may problema tulad ko…LET US ALL FIND MEANING AND JOY IN OUR SUFFERINGS…kaya natin yan…anjan nmn si GOD hindi ba???wag kau mag alala…di nya tayo iiwan

    Komento ni eYna | Pebrero 16, 2008 | Sagutin

  3. , life is too precious..

    , we shud cherished each secomd, minute, time of ur life!!!

    , godbLezz us aLL!!!

    Komento ni carla_uhavaryt2luvme-sikat akue!!!! | Pebrero 17, 2008 | Sagutin

  4. eow hehehe.
    xenxa save qu na lng muna sa mp4 dun ko na lng basahin…
    haba eh nd ang dami..
    kulang ung time qu sa pagrent gawa pa kxe qu proj eh..
    ingats ka jan ha..
    amishu…(“,).mwah..

    Komento ni christian | Pebrero 18, 2008 | Sagutin


Mag-iwan ng tugon sa eYna Pindutin ito para bawiin ang tugon.